Saturday, March 05, 2005
Patawad aking mga kaibigan kung hindi ko masyadong inaasikaso itong blog na ito. Napakadami kasing mga hadlang sa buhay eh. Hay nako. Kahapon, walang ginawa. Nagising ako ng maaga dahil pupunta dapat ako sa derma. Ngunit, hindi natuloy dahil marami pang pinagagagawa ang derma buddy ko noong araw na iyon, ang panganay sa aming magkakapatid. Si Unna. Ayun. Naligo na ako, nagbihis. Ngunit, sabi bigla ni inay na hindi daw kami maaaring makapunta sa derma dahil nagtext daw sa kanya si Unna. "I can't go to the derma today, I still have a lot of things to do... Tomorrow na lang" sabi ni Unna. Mga 8:00am ako bumangon mula sa aking lubog na kama. Hindi na ako kumain ng almusal. Nagpalit ulit ako ng pambahay. Masarap mag pambahay. Pagkatapos kong magpalit, natulog akong muli. Masarap managinip. Umidlip ako mula alas-nueve y medya hanggang alas-dos y medya. Ang sarap matulog. Sobra. Ubod ng ligaya mula sa aking nadama. Pag mulat ko, naghugas kaagad ako ng mukha. Pagkatapos noon, bumaba ako, at kumain. Dapat, ang aking kakainin ay "Beef Steak". Malamig na ang kanin at ulam noong oras na iyon. Hindi ko na pinansin iyong "Beef Steak". Binuksan ko na lang iyong "Master Sardines in Tomato Sauce" at ininit sa microwave. Ininit ko din yung kanin. Kinain ko silang pareho pagkatapos silang initin. Roar! Haha... Tapos, pagkatapos kong kumain ng late na tanghalian, pumunta ako sa sala. Natagpuan roon ang dalawang magka-ibigan. Ang magka-sintahang si Isabella at Jose Luis. Humiga ako sa rug. Ang ulo ko'y nakapatong sa unan ng "couch". Haha...Inalok ako ni Saab ng "Munchies". Ang "Munchies" ay isang tsitsiryang gawa ng kompanyang "Frito-Lay". Ito'y isang produkto kung saan ipinaghalo-halo ang iba't iba din nilang mga tsitsirya, tulad ng "Doritos" corn chips, "Sun" multi-grain chips, "Cheetos" cheese puffs at "Rold Gold" pretzels. Masarap ang Munchies. Masama ang droga. Hahaha. Kapag ika'y nagmamarijuana, pagtapos ng ilang minuto, you've already got the munchies! Siguro, puwedeng ipares iyong "Munchies" ng "Frito-Lay" sa drogang Marijuana. Masubukan nga. Biro lang. Mga kaibigan, hindi po ako tumitira o umiiskor ng mga ipinagbabawal na gamot. Masama iyong mga iyon. Anyway, Sabi ko kay Saab, "No Thanks." Ayun. Hindi ako kumain ng "Munchies". Sayang, dapat kumain ako noon. Ubos na kasi. Argh. Nanood kami ni Saab at ni Doods ng "Spanglish". Gumanap bilang isang tatay doon si Adam Sandler. Medyo, drama yung pelikula, ngunit, nakakatawa parin. Naroon kasi si Adam. Kung wala si Adam ubod ng corny. 'Di, joke lang. Siguro okay parin. Pagkatapos panoorin iyong "Spanglish", naglaro sila ng "Cranium". Umakyat ako sa aking kuwarto at nag electric-guitar. Kinapa ko iyong lead sa "Elesi" at "Awit ng Kabataan" ng Rivermaya. Nakapa ko na pareho, ngunit iyong "Awit ng Kabataan", medyo kulang pa. Matagal akong nasa kuwarto't nakikinig ng iba't-ibang klase ng musika. Pagkatapos noon, kumain na kami ng hapunan. Ang kinain namin ay fried chicken at mashed potato. Masarap... Kumain din ako ng salad. Ang dressing na nilagay ko ay ang Caesar dressing na gawa ng "Goodies N' Sweets". Masarap iyon. Bili kayo. Pagkatapos noon, hinatid ni Inay at ni Saab si Doods sa Katipunan. Doon siya sinundo ng kaniyang mga magulang. Ako, natulog na sa bahay. Tamad. Pag gising ko kanina, pupunta dapat kami ni Unna sa derma. Hindi ulit natuloy dahil hindi kami bumangon ng maaga. Sasabay kasi dapat kami kay itay. Si inay, umalis ng maaga....kasama si Maxx. May taping sila. Ayun. Si Saab, may prom na pupuntahan ngayon...sa Ateneo. Date niya si Jan Parma. Naging kaklase ko si Jan noong grade school sa Ateneo. Dito na nagtatapos ang aking kuwento. Ay, para sa mga hindi pa nakakaalam, hiwalay na kami ni Chesca. Parang mag-asawa eh noh? Paalam mga kaibigan. Hanggang sa muli. Masaya ang buhay kapag ika'y naka Sun Cellular. Iba na talaga kapag 4321. Hi Nica :D
frank
scribbled @ 3/05/2005 02:31:00 PM